Inamin ni WBO junior welterweight champion Chris Algieri na ang pinakamabisang sandata ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa kanilang laban sa Macau, China sa Nobyembre 22 ay ang malawak na karanasan sa boksing.

Sa panayam ni Radyo Rahim ng BoxingScene.com, malulula ka kung titingnan pa lamang ang mga tinalo ni Pacquiao sa ibabaw ng ring na sina Erik Morales, Oscar De La Hoya, Miguel Cotto, Marco Antonio Barrera, Ricky Hatton, Timothy Bradley, Juan Manuel Marquez at marami pang iba.

“I agree that Pacquiao’s experience is his best weapon, at this point. He has more fights than almost anybody else who is out there right now, any of the top champions. That’s going to be something for me to deal with on fight night,” ani Algieri. “If I use the opposite...my inexperience, my youth, my fury, my vigor - versus his experience - it can play both ways. So I have to use my advantages.”

Siniguro naman ni Algieri na gagamitin niya ang kanyang taas at mas mahabang mga biyas upang ‘di basta makapasok ang mabilis na atake ni Pacquiao .

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Pinili ng odds makers sa Las Vegas ang Pilipino na heavy favorite para maipagtanggol sa unang pagkakataon ang hawak na WBO welterweight division title simula nang mabawi ang korona kay Timothy Bradley noong Abril.

Lamang si Pacquiao sa bilis, lakas at mayamang karanasan kung ikukumpara kay Algieri na higit namang matangkad sa taas nitong 5’10” at may mahahabang biyas. Ipinagmamalaki rin ng walang talong New Yorker ang kanyang matutulis na jab para makontra ang bilis ni Pacquiao.

“I think guys are underestimating my speed a little bit, but I don’t necessarily have to beat his speed or match his speed because timing beats speed. And at the same time, with the reach difference, Manny has to start from further away. Even if he is faster, he has to start from further away and I can hit him before he can hit me. The speed differential and the reach differential will play in,” dagdag ni Algieri.