HONG KONG (AP) - Binabalak ng pro-democracy protesters sa Hong Kong na magdaos ng spot referendum ngayong Linggo kung mananatili sa mga lansangan o tatanggapin ang alok ng gobyerno na mga pag-uusap para baklasin na ang mga protest camp.

Sinabi noong Huwebes ng tatlong pangunahing grupo na kukunin nila ang opinyon ng publiko sa protest site sa main downtown, na libu-libo pa rin ang nagka-camping.

Nag-alok ang gobyerno ng Hong Kong na magsumite ng report sa central government na magpapaabot ng diskuntento ng mga nagpoprotesta sa planong magkaroon ng 1,200-person committee na pipili ng mga kakandidato para sa susunod na leader ng 7.2 milyong mamamayan ng lungsod sa 2017.
National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte