CLEVELAND (AP)– Ang bagong higanteng banner na ipinagdiriwang ang pagbabalik ni LeBron James sa Cleveland ay tatanggalan ng tabing sa Oktubre 30 bago buksan ng Cavaliers ang NBA season.

Ang 10-storey, Nike-sponsored na banner, ay ibibitin sa gilid ng global headquarters ng Sherwin- Williams Co. na katapat ng Quicken Loans Arena, sa kaparehong puwesto kung saan isinabit ang iconic banner sa unang stint ni James sa Cavs.

Isang banner na nakasabit sa gusali sa nakaraang apat na taon ay tatanggalin upang palitan ng banner ni James.

Inaprubahan ng planning commission ng lungsod ang bagong banner noong Setyembre.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Bago siya lumagda sa Miami noong 2010, ang “We Are All Witnesses” banner ni James ay naging public pride at isang must-see attraction para sa out-of-towners.

Pinalitan ang banner ng isang nagbibigay-pugay sa lungsod nang lumisan si James.

Muling pumirma si James sa Cavs noong Hulyo, nagbabalik sa koponan na kanyang pinaglaruan sa loob ng pitong taon.