BRUSSELS (AFP)— Nagkasundo ang mga lider ng European Union noong Biyernes sa kanilang tinanghal na world’s most ambitious climate change targets for 2030, na nagbibigay –daan sa isang bagong UN-backed global treaty sa susunod na taon.

Naayos ng 28 lider ang malalim na pagkakasalungat sa isang summit sa Brussels upang makabuo ng kasunduan na nangangakong babawasan ang greenhouse gas emissions ng halos 40 porsiyento kumpara sa antas noong 1990. Nagkasundo rin sila sa 27 porsiyentong target para sa renewable energy supply at efficiency gains.

“Deal! At least 40 percent emissions cut by 2030. World’s most ambitious, cost-effective, fair EU 2030 climate energy policy agreed,” tweet ni EU president Herman Van Rompuy.

Nais ng EU na magkasundo sa mga target bago ang isang summit sa Paris sa Nobyembre at Disyembre 2015, kung kailan inaasahan na magkakasundo ang mundo sa bagong kabanata ng Kyoto climate accords na tatakbo hanggang sa 2020.
National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras