ANG United Nations day ay ngayong Oktubre 24, na gumugunita sa pagpapatupad ng united Nations (UN) Charter noong 1945. ang tema ngayong taon ay “Global Citizenship and Youth”.

Ipinagdiriwang mula pa noong 1948, ang mga aktibidad ng UN day na nagtatampok ng mga gawa ng uN at ng specialized agencies nito ay inorganisa ng lahat ng bahagi ng UN, partikular na sa main offices nito sa New York, the Hague, the Netherlands, Geneva, Switzerland, Vienna, Austria at sa Nairobi, Kenya. Kabilang dito ang mga konsiyerto, pagtataas ng bandila ng UN sa mga gusali, may food festival, mga talakayan hinggil sa mga gawa ng UN sa modernong panahon, at pagpupulong at exhibits hinggil sa mga tagumpay ng UN.

Sa maraming paaralan sa pilipinas, tradisyunal na ang magdaos ng mga parada ng mga estudyanteng nagwawagayway ng mga bandila at nakasuot ng iba’t ibang national costume ng iba’t ibang bansang miyembro ng uN. Kabilang ang pilipinas sa 51 founding member ng UN. Noong 1945, lumagda ito sa uN Charter sa San Francisco, USA. Si general Carlos p. Romulo, ang philippine ambassador to the uN mula 1946 hanggang 1954, ay ang unang Asian na naging pangulo ng uN general assembly noong Setyembre 20, 1949.

Nagbukas ng tanggapan ang United Nations Children’s Fund sa Manila, ang una sa Asia, noong 1948, sumunod ang Western pacific Regional Office ng World Health Organization, at World Food programme. ang pagtatag ng united Nations development programme noong 1965 ang lalong nagpatibay ng kooperasyon ng UN sa Pilipinas.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Ang iba pang ahensiya ng UN na nagbukas noong dekada 70 ay ang International Labour Organization, ang united Nations population Fund, ang United Nations Industrial development Organization, ang united Nations High Commissioner for Refugees, at ang agriculture Organization. Noong 1981, ang International Office of Migration ay nagbukas ng unang tanggapan nito sa pilipinas. Noong 2003, naitatag ang United Nations Human Settlements programme, habang ang World Food programme ay muling nagbukas noong 2006 upang suportahan ang Mindanao.

Mayroong 193 member-nation ang UN, kabilang ang pinakabagong miyembro nito na Nauru, Kiribati, at tonga noong 1999, tuvalu at Yugoslavia noong 2000, Switzerland at East Timor noong 2002, Montenegro noong 2006, at South Sudan noong 2011. Nagpapatupad ito ng peacekeeping at humanitarian missions sa buong mundo. Simula 1947, mayroong 70 peacekeeping operation, at nag-aambag ng personnel dito ang mga member-nation, kabilang ang pilipinas. Noong 2001, nagwagi ang UN ng Nobel peace prize sa pagsisikap na magkaroon ng mas organisado at mas mapayapang mundo.