NGAYONG handa na para tamasahin ng daigding ang isang primera-klaseng alak na tinaguriang The True Filipino spirit, na mabibili na sa mga pangunahing hotel at Duty- Free outlet.

Ang brand name nito ay Lakan Extra Premium Lambanog. Ang pangalan ay titulong ibinibigay sa mga mandirigma bago pa man ang panahon ng kastila; sumisimbolo ito ng karakter at tapang sa natatanging lambanog.

Dinibelop ng mga distillery expert bialng high-end quality na alak, ang Lakan ay maipagmamalaki natin sapagkat sinisimbolo rin nito and maharlikang diwang Pilipino at mga primera-klaseng likha na maiaalok natin sa daigdig. Maaari rin itong ASEAN banner product sa pagsama ng sampung bansa sa regional group sa susunod na taon sa isang common market na kikilalanin bilang asEan Economic Community (AEC).

Ginawa ng mga katutubo noong unang panahon mula sa coconut nectar, ang lambanog ay hindi gin o vodka kundi isang klase mismo. Ang bersion nitong Lakan ay ang pinakarurok ng klase nito. ito ay matapang ngunit maiibigan ang amoy, na may samyo ng prutas at vanilla sa lasa at banayad sa lalamunan. sa totoo lang, ang alaman ng lambanog ay taglay ngayon ng Lakan.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Dinibelop matapos ang 31 taon ng pananaliksik, ang lakan ay nilikha at imimerkado ng Philippine Craft Distillers inc., isang Filipino corporation itinatag ng mga negosyoante na nakatalagang paangatin ang ating industriya ng niyog. Nakarehistro ito sa Food and Drug administration at ang ang trademark nito sa intellectual Property Office.

***

Ipinagmamalaki naman ng albay ang dumagdag sa mahabang listahan nila ng mga beauty queen, ang modelong si Valerie Clacio Weigmann na kinoronahan kamakailan bilang Miss World Philippines. Ang kanyang tagumpay sa 25 iba pang naggagandahang katunggali ay kumupirma sa reputasyon ng Albay bilang “Venezuela of the Philippines” – ang lupain ng magagandang dilag ng bansa. si Weigmann, ang ika-63 beauty titlist sa huling tatlong dekada.