PINALALABAS NA BIRUAN LANG

Simon IbarraISA na namang hot issue ito ng isang artista versus production staff ng isang teleserye.

May'di pagkakaunawaang naganap kay Simon Ibarra at sa assistant director ng Whattpad Presents ng TV5 na si Han Salazar kamakailan, sa taping ng episode na "Fake Fiance" starring Vin Abrenica and Sophie Albert, directed by Jade Castro.

Noong Martes, may ipinost si Direk Han Salazar sa kanyang Facebook account na nagwala si Simon, at matagal bago siya nakunan sa taping, na pinabulaanan naman ng aktor, at sinabing biruan lang ang lahat.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

"Nagwala si Simon Ibara sa taping ng Wattpad dahil ang call time niya is 3 PM, pero 8 PM na hindi ko pa siya nakukunan. Hindi naman daw siya talent, artista daw siya," nakasaad sa post ni Direk Han.

Paliwanag ni Direk Han under the comments thread: "Kaya siya kinoll ng 3 PM, kasi, target makunan 'yung scene niya ng 4 PM. Kaya lang, nagkaproblema sa paglipat ng location.

"And besides, nu'ng dumating siya, nag-usap agad kami na hindi ako ang kukuha sa kanya kundi 'yung Unit 2 at nagkaroon kami ng delay sa paglipat ng location.

"Isang sequence lang siya, at waiting lin 'yung Unit 2, dahil priority 'yung mga scenes na kinukunan ng Unit 1 (kami 'yon).

"Well, okay lang na magalit siya, kaya lang nag-react 'yung mga kasama niyang artista sa tent, kasi hindi siya kilala," kuwento ni Direk Han.

Patuloy pa niya: "Co-actors niya ang nagkuwento sa akin. Warning daw, sabi sa akin ng co-actor, may galit na galit sa akin. Sabi daw ni Simon, '3 PM ang call ko sa kanya', 'tapos, 8 PM na hindi pa siya nakukunan, eh, hindi naman daw siya talent, artista daw siya.

"Sabihin daw sa AD na suntukan na lang daw kami kung gusto ko Sobrang galit na galit daw. Hindi ko hinarap si Simon nu'ng nagwawala siya, 'yung EP (executive producer) ang kumausap sa kanya. Hindi rin ako nag-sorry bilang hindi ko nararamdaman na may kasalanan ako.

"Dati ko nang naririnig na may attitude siya, pero hinill ako naniniwala hanggang nangyari sa akin ito. Hope nahindinakamimagkatrabaho ... " sabi ni Direk Han.

Kinuha namin ang panig ni Simon Ibarra, sa pamamagitan ng kanyang Facebook account.

"Hindi accurate' yung post niya at 'yung term niya na 'nagwala'. Mali 'yun," kuwento ni Simon. "Dumating ako ng 3 PM, 'tapos 10 PM, 'di pa ako nakukunan, pero ayos lang 'yun.

'''Tapos, dumating si Ahron Villena. Tinanong niya ako kung nasalang na, sabi ko, di pa. Dumating 'yung PA (production assistant). Sabi, 'Kuya Ahron, ikaw na.'

"Doon nag-umpisa 'yung BIRUAN, sumali pa si Vin Abrenica sa biruan. First day nangyari 'yun. 'Tapos noong second day ko sa Wattpad, may nagbulong sa 'kin na masama daw ang loob ni Han sa 'kin.

"Kaya nang mapak-ap ako ng 5 AM, kinausap ko muna siya bago ako umuwi re: that matter. Nag-explain ako sa kanya at puwede niya tanungin 'yung dalawa (Vin and Ahron). Sabi niya, 'No problem, ok lang 'yun ... ' Tapos, nag-post siya ng ganon. Tsk tsk tsk!" himutok ni Simon.

Ipinagdiinan ni Simon na ayaw niyang patulan ang issue, dahil ayaw niya ng negativity.

"Ayaw ko patulan 'yan, Mell. Negative sa buhay 'yang ganyan, hehehe. Mas masarap maging masaya. Ikaw ang bahala, pero please sa positive side lang. Ayaw ko kasi ng negativity."

Nang baIikan namin si Direk Han, hindi ito kumbinsido na "nagbibiro" lang si Simon.

"Wala ako sa tent nu'ng 'NAGWALA'siya. 'Yung co-actors lang niya ang nagsabi sa akin na magingat daw ako, kasi nga galit na galit si Simon sa akin at sinabi niyang 'Sabihin n' yo sa AD, suntukan na lang kami'.

"Sa tingin ko, hindi ako wawarningan nu'ng mga actors kung 'BIRUAN' lang 'yon. Totoong nag-sorry siya nu'ng last day (2 days lang ang taping) at sinabi kong 'NO PROBLEM'. Nag-postako ngayon para lang alam nu' ng mga nagkukuwento sa akin ng attitude ni Simon, na alam ko nang tama sila."

Dalawang oras ang lumipas, nakapag-reply uli si Simon sa Facebook.

"Hahaba lang ito Mell, ayaw ko na patulan. Stay positive na lang ako," huling pahayag ni Simon.