Kasama ang mga people with disabilities (PWDs) sa mga natulungan ng Reconstruction Initiative through Social Enterprise (RISE) na itinaguyod ng iba’t ibang grupo para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Ayon kay Mr. Jay Lacsamana, executive director ng Foundation for a Sustainable Society, nabigyan ng hanapbuhay ng RISE ang mga mahihirap, kabilang ang mga may-kapansanan sa pagawaan ng prefabricated walls at pre-cast foundations ng mga itatayong bahay.

Bago ang RISE, dating umaasa lamang ang mga taga-Santa Fe, Leyte, sa relief mula sa gobyerno at mga pribadong grupo.

Tawi-Tawi, niyanig ng magnitude 5.0 na lindol