Umapela ang Malacanang sa mga kritiko ni Pangulong Aquino na respetuhin ang desisyon nitong hindi magtunog sa burol ng pinatay na si Jeffrey Laude, na kilala rin bilang “Jennifer”.
Ito ay matapos umani ng kritisismo si PNoy sa hindi nito pagdalaw sa burol ni Jennifer, hindi tulad ng pakikiramay na ginawa ni Vice President Jejomar Binay.
“Nagpahayag na si Pangulong Aquino hinggil sa usaping ito sa FOCAP (Foreign Correspondents Association of the Philippines) forum at kung maaari sana, igalang natin ang kanyang saloobin,” pahayag ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma, Jr.
“Ayon sa nakalap na impormasyon ng aming New Media Unit, tatlong porsyento lamang ang tutol sa pahayag ni Pangulong Aquino hinggil sa usaping ito (pagtungo sa burol),” aniya.
Noong Miyerkules, inihayag ni Aquino sa FOCAP na hindi ito bibisita sa burol ni Laude dahil hindi niya ito personal na kakilala.
“In general, I don’t attend wakes of people I don’t know… I’m uncomfortable in trying to condole with people who don’t know me,” pahayag ni Aquino.