Magpapatupad ang Malacañang ng performance checks sa mga miyembro ng gabinete at mga departamento nito upang mabatid kung paano tinutugon ng mga ito ang program targets. Ito ay isang katanggap-tanggap na dagdag sa sistema ng pamamahala ng administrasyong Aquino at dapat magdulot ng kasiglahan sa natitirang mga buwan ng administrasyon.

Marami-rami na ring ahensiya at tanggapan ng gobyerno ang maayos na tumupad sa kanikanilang tungkulin nitong mga huling buwan at ang performance chek ang magpapatotoo ng kanilang mga tagumpay. ang department of tourism (dOt), halimbawa, ay nakatakdang magtamo ng mataas na marka sa kahit na anong pagsusuri. ang department of Health (DOH) ay parang handang-handa para sa pandaigditang banta ng Ebola. ang department of public Works and Highways (DPWH) naman ay tuluy-tuloy ang paggawa sa malalaking proyektong pang-istruktura.

Bukod sa mga espesyal na publiko na pinaglilingkuran ng ilang departamento, katiting lang ang malalaman tungkol sa performance ng mga ito, tulad na lamang ng departments of Science and technology (DOTC), Agrarian Reform (DAR), Trade and Indusry (DTI), Environment and Natural Resources (DENR), Labor and Employment (DOLE), at ng Interior and Local government (DILG). Tatanggapin ng taumbayan ang oportunidad na makaalam tungkol sa mga ahensiyang ito sa pamamagitan ng performance checks.

May ilang deparamento ang nasa balita kamakailan dahil sa kanilang pagkakasangkot sa local, national, at international events. ang department of Education (DOE) ay lumalabas na maayos na tumupad sa tungkulin sa pagresolba ang mga problema sa pagbubukas ng klase sa kabila ng mga limitasyon sa kanilang budget. Lumutang ang mga limitasyon ng bansa sa depensa bunga ng komprontasyon nito sa Chinda sa West philippine Sea ngunit hindi naman masisisi ito sa department of National defense (DND). ang komprontasyon ding ito ang lumikha ng pambansang atensiyon sa mga kapabilidad ng department of Foreign Affairs (DFA).

Calatagan, Batangas, niyanig ng 5.4-magnitude na lindol

May ilang departamento na tadtad ngayon ng iba’t ibang problema – ang Department of Transportation and Communications (DOTC) sa problema ng MRT, ang Department of Agriculture (DA) sa layunin ng rice self-sufficiency, ang department of Social Welfare and development (DSWD) sa Yolanda rehabilitation program, ang department of Finance dahil sa Bureau of Customs at Bureau of Internal Revenue nito sa kabiguan ng mga ito na tamaan ang collection target, ang Department of Energy (DOE) sa dadanasing power shortage, at ang department of Justice (DOJ) sa umano’y selective justice sa mga kaso ng pork barrel.

Sina Executive Secretary paquito Ochoa Jr., Cabinet Secretary Rene Almendras, at Department of Budget and Management (dBM) Secretary Florencio abad ang mangangasiwa ng performance checks. Sa pagpapatupad ng systematic assessment ng mga performance ng mga departamento, kailangang maging handa ang Malacañang ngayon pa lamang na sagutin kung sino ang susuri sa DBM, na sentro ng malaking kontrobersiya hinggil sa disbursement acceleration program (DAP). Sa madaling salita, sino ang susuri sa tagasuri?