PALABAS uli ang isa sa mga pinakapaboritong sitcom ng Pilipinas para maghatid ng good vibes simula ngayong Oktubre 20 na sa Jeepney TV, ang ultimate throwback channel.

Napapanood na uli ang Palibhasa Lalake mula Lunes hanggang Biyernes. Huwag palalampasin ang tawanan kasama ang cast ng show na binubuo nina Richard Gomez, Joey Marquez, John Estrada, Gloria Romero, Amy Perez, Mark Anthony Fernandez, Eric Fructoso, Jomari Yllana, Jao Mapa, Claudine Barretto, Rica Peralejo, G. Toengi, Regine Tolentino, Lindsay Custodio, at marami pang iba.

All out ang Jeepney TV sa pagbalik ng Palibhasa Lalake craze ngayong buwan kaya maliban sa airing ng programa sa weekdays ng 8:00 PM na may replay ng 11:00 PM at 5:45 AM, ang limang episode ng bawat linggo ay magkakaroon ng “marathon run” tuwing Sabado ng 4:00 PM simula Oktubre 25.

Naghanda ng special feature ang award-winning na programa ng Jeepney TV na Biyaheng Retro tungkol sa mga cast ng sitcom pati na rin ang mga di-malilimutang eksena na napanood nitong nakaraang Linggo. Ang mga bida ng Palibhasa Lalake rin ang icons of the month ng channel kaya ipapalabas din ang kanilang best dramatic appearances sa “Jeepney TV Star Showcase” sa lahat ng Linggo ng Oktubre, 8 PM.

National

LPA sa loob ng PAR, posibleng maging bagyo -- PAGASA

Noong Biyernes naman, nakasama ng hardcore fans ng show ang main cast ng show sa “Palibhasa Lalake Basaan Reunion” sa Eastwood Central Plaza. Nagbigay ng libreng beer sa mga dumalo.

Sina Amy Perez at DJ ChinaPaps ng MOR 101.9 ang nag-host ng “Epic Basaan Reunion.” At siyempre, naroroon sina Richard Gomez, John Estrada, Anjo Yllana, Jomari Yllana at Eric Fructuoso. Dumalo rin at nakigulo ang Banana Split mainstay na si Jeff Gaitan. Nagkaroon din ng mash up live rendition ng rock music icon at Hagibis producer-songwriter na si Mike Hanopol na kumanta ng Palibhasa Lalake OST na Katawan.

Huwag palalampasin ang Palibhasa Lalake craze ngayong buwan ng Oktubre sa Jeepnet TV, ang ultimate throwback channel (SkyCable Channel 9).