Hahayaan ng gobyerno ang isang pribadong kumpanya na magdesisyon kung ano ang kanilang magiging hakbang upang matuloy ang konstruksiyon ng P18 bilyong North at South Luzon Expressway (NLEx-SLEx) na matagal nang nakabitin.

Sinabi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Rogelio Singson na nasa Metro Pacific Tollways Development Corp. (MPTDC), isang sangay ng Metro Pacific Investment Corp. (MPIC), ang desisyun kung itutuloy ang proyekto – sa pamamagitan ng isang joint venture sa Philippine National Construction Company (PNCC) o ibabalik sa orihinal na unsolicited proposal.

Matatandaan na inamiyendahan ng MPTDC ang kasalukuyang joint venture sa PNCC, na may-ari ng prangkisa ng NLEx na pinapatakbo ng Metro Pacific sa pamamagitan ng Manila North Tollway Corp.

“Whether it is on a joint venture or if it follows the original proposal under the Build-Operate-Transfer law, both are legally possible. The Department of Justice concurs that either way is possible,” pahayag ni Singson.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“At the end of the day, we have to respect what the proponent is saying. There just has to be a new supplemental toll operations agreement. All expressway projects require a new STOA,” he explained.

Umaasa si Singson na mareresolba ang isyu ngayong linggo dahil naniniwala ang Pangulong Aquino na ang NLEx-SLEx Connector Road ang solusyon sa pagsisiksikan ng kargamento sa Port of Manila bagamat ito ay naaantala bunsod ng iba’t ibang problema.

Plano ng MPTDC, na may hawak ng concession rights sa 84-kilometrong NLEx sa pamamagitan ng MNTC, na magtayo ng isang 13.4-kilometer, 4-lane elevated expressway na magdurugtong sa NLEx at SLEx na daraan sa ibabaw ng mga riles ng PNR, at magkakaroon ng exit sa Quirino, España at 5th Avenue (C-3 Road) sa Caloocan City.