Tarasova Block

Mga laro bukas: (Sto. Domingo, Ilocos Sur)

2 pm -- Generika vs RC Cola (W)

4 pm -- Petron vs Mane ‘N Tail (W)

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Agad nagpadama nang matinding kaseryosohan ang Cignal HD Spikers upang muling tumuntong sa kampeonato nang pabagsakin ang nagpakita ng tapang na Mane ‘N Tail, 25-15, 22-25, 25-19, 26-24 sa ikalawang araw ng 2014 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix na iprinisinta ng Asics sa Cuneta Astrodome.

Muling nagtulong ang tambalan nina Lindsay Stalzer at Sarah Ammerman upang paangatin ang signal ng HD Spikers sa krusyal na ikaapat na yugto at supalpalin ang matinding 31-puntos na paglalaro ng kalabang si Kristy Jaeckel para sa ikalawa nilang panalo sa women’s division ng prestihiyosong interclub tournament na inorganisa ng SportsCore kasama ang Air 21, My Phone, Via Mare, Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Generika Drugstore, LGR at Jinling Sports bilang technical partners.

Bumawi naman ang All-Filipino Conference runner-up na RC Cola Air Force Raiders sa una nilang kabiguan sa pagwalis sa tatlong set sa baguhang Foton Tornadoes, 25-13, 25-20, 25-14.

Nanguna si Stalzer para sa HD Spikers sa itinalang 23 kills para sa kabuuang 25 puntos habang si Ammerman ay nagtala ng 15 hits at limang aces para sa 22 puntos na nagiwan kina Jaeckel at Lady Stallions na malasap ang una nilang kabiguan.

Ang itinala ni Jaeckel na 31-puntos na paglalaro ang pinakamataas sa komperensiya matapos ang 37-puntos na ipinamalas ni rookie Dindin Santiago sa kanyang unang paglalaro sa liga. Gayunman, nauwi sa kabiguan ang puntos ni Jaeckel bunga ng krusyal na pagkakamali sa laban.

“Medyo nataranta ako nang humabol sila sa fourth set,” sinabi ni Cignal coach Sammy Acaylar. “I didn’t expect na ganoon sila kalakas, especially their import. But we stayed focussed and told my setter not to focus on the open spiker and use more combination plays.”

Aminado naman si Mane ‘N Tail coach Francis Vicente na isa sa pinakamahusay ang kanilang import subalit hindi nito nagawang panatilihin ang talento.

“Decision making in the court, that has cause us the game,” pahayag ni Vicente.

“Our imports are very good and they want the locals to get involved. But in the end, especially in the crucial point, presence of mind dapat,” sinabi nito.

Agad na binitbit ni Stalzer ang HD Spikers sa pagtulak sa koponan sa maagang 25-15 panalo sa unang set bago na lamang nagulantang sa ikalawang set matapos na magpasabog ng matitinding spike si Jaeckel na tinanghal na All-American selection para sa University of Florida sa US NCAA Division I.

Nag-init si Stalzer sa kaagahan ng ikatlong set habang tinapos ni Ammerman ang laban para sa HD Spikers sa pagtala ng 7 sunod na puntos upang selyuhan ang panalo sa 25-19.

“I am lucky to have them as imports,” sabi ni Acaylar. “Not only they are good, but they also have good attitude and excellent communication skills. They are willing to listen to their teammates.”