TULUY-TULOY ang kasiyahan ngayong gabi sa pagdiriwang ng 19th anniversary ng longest running comedy/gag show na Bubble Gang (BG). Sa mahigit isang dekadang pamamayagpag sa ere, pinaghandaan ng buong barkada ang gags, spoofs, at sketches na mapapanood tampok ang mga kilalang personalidad.

Kaabang-abang ang anniversary special ng BG dahil makakasama ng tropa ang Kapuso Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Makikisaya rin ang Kapuso leading men na sina Dennis Trillo, Tom Rodriguez, at Rocco Nacino. Abangan din ang sketches kasama ang Celebrity Bluff hosts na sina Eugene Domingo at Jose Manalo kasama si Wynwyn Marquez at Yagit kids: Chlaui Malayao, Zymic Jaranilla, Judie Dela Cruz, at Jemwell Ventinilla.

Dagdag kasiyahan din ang ihahatid ng kilalang mga personalidad sa pangunguna nina Vic Sotto, Arnold Clavio, Herbert Bautista,Freddie Aguilar, Manilyn Reynes, Anjo Yllana, Gabby Eigenmann, at Ms. Gloria Romero.

Hindi dapat palampasin ang all-time favorite gags and spoofs dahil bibisitahin ng Istambay at Bubble Shakers ang set ng Kapuso sitcom na Vampire Ang Daddy Ko at Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento at primetime musicale na Marian. Samantalang makakaharap na ng mga paboritong character sketches ang guest personalities ng programa.

National

Shear line, easterlies patuloy na nakaaapekto sa malaking bahagi ng PH

Sa kinaaaliwang segment na “Ikaw at ang Ina,” makikilala na ni Selphie (Sef Cadayona) ang kanyang Tita na gagampanan ni Gabby Eigenmann.

Makakaharap naman ni Michael V. bilang Mr. Matapobre ang kanyang mahihirap na kamag-anak, ang Yagit kids. Ang sketch na ito ay tungkol sa isang mayamang lalaki na kinaiinisan ang ugali at gawi ng mahihirap.

Exciting na usapan naman ang magaganap sa BG hatid ni Antonietta (Betong Sumaya) kasama si Ms. Gloria Romero.

Nakakatuwang sagot naman ang ibibigay ni Tata Lino sa mga tanong nina Freddie Aguilar, Arnold Clavio, Herbert Bautista, Rocco Nacino, at Dennis Trillo.

Mapapanood ang Bubble Gang 19th Anniversary special ngayong Biyernes pagkatapos ng Bet ng Bayan sa GMA.