TOKYO (AFP) – Muling naligalig ang Japan kahapon ng ikatlong eskandalong pulitikal sa loob ng isang linggo matapos aminin ng bagong industry minister—na ang hinalinhan ay nagbitiw sa tungkulin dahil sa maling paggastos sa pondo ng gobyerno—na nagwaldas ang isa niyang tauhan sa isang sex bar.
Agad na umiwas sa eskandalo ang Harvard graduate na si Yoichi Miyazawa, isang dating pangunahing bureaucrat sa finance ministry, sinabing hindi siya kasama sa mga nagtungo sa S&M club sa Hiroshima.
Ngunit inamin niyang ang ilang kawani sa kanyang kagawaran ay gumastos ng 18,230 yen ($170) nang bumisita sa isang club noong Setyembre 2010, anang Jiji Press news agency