SYDNEY (AFP) – Isang lalaking Australian na nahuli sa global sting na gumamit ng isang virtual na batang babae para malambat ang mga child sex predator ang naging unang indibidwal na nahatulan mula sa operasyon, sinabi ng child rights group na nasa likod nito noong Miyerkules.

Inihayag ng Dutch charitable organization na Terre des Hommes noong Nobyembre ng nakaraang taon na gumamit sila ng isang computer-generated na batang Pilipina -- binansagang “Sweetie” -- sa Internet chat rooms para manghuli ng mga pedophile.

Sa loob ng 10-linggo, mahigit 20,000 predator mula sa 71 bansa ang nagkainteres sa virtual na 10- anyos na bata at humiling ng webcam sex performances at mahigit 1,000 pedophile ang natukoy resulta nito.

Sinabi ng grupo na ilang suspek ang naaresto simula nang ipasa nila ang information sa pulisya, kabilang na sa Australia, Poland at United States.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang Australian ang unang suspek na nasakdal sa online sting, ani Terre des Hommes’ Jakarta-based Leny Kling sa AFP. “And we hope that more will follow,” aniya.

Sinabi ng mga opisyal ng korte na ang 38-anyos na si Scott Robert Hansen ay hinatulan sa tatlong kaso, kabilang na ang paggamit ng carriage service para magpadala ng malalaswang komunikasyon sa isang tao na nasa edad 16 pababa, at pag-iingat ng child exploitation material noong Martes.

Kinasuhan din siya ng kabiguang tumalima sa sex offenders order.

“He was given a two-year sentence,” sabi ng spokeswoman sa AFP, idinagdag na sinuspinde ito dahil sa 260 araw na siyang nasa custody.

Hinalughog ng Australian Federal Police ang bahay ni Hansen kasunod ng web chat kay “Sweetie” kung saan siya ay nakahubad at nagma- masturbate, iniulat ng news.com.au.

Sinabi ng Terre des Hommes na wala silang nilapitan sa Internet kundi naghintay ng mga tao na lumapit kay Sweetie para humiling ng sex acts.

Itinitigil ng rights group ang usapan sa sandaling may mag-alok kay Sweetie ng pera kapalit ng sex acts.

“Sweetie attracted a lot of pedophiles,” ani Kling, idinagdag na ang mga komento sa virtual na batang babae ay kinabibilangan ng ‘Can you undress yourself?’ at ‘Can you show your boobs to me?’.

Sinabi ni Kling na nais ng grupo na itaas ang alarma tungkol sa webcam child sex tourism, isang uri ng child exploitation na libu-libo ang nabibiktima sa Pilipinas pa lamang.

Talamak din ang problema sa Cambodia at Thailand, aniya.

“We are just trying to prove with Sweetie that this is an iceberg problem,” aniya.

Nang mabunyag ang sting noong 2013, sinabi ng Terres de Hommes na nagulat ang kanilang mga mananaliksik sa karanasan.

“To put yourself in the shoes of a 10-year-old Filipina girl and seeing what some men want from you has been a shocking experience for them,” sinabi ng pinuno ng kampanya na si Hans Guyt.

“Some demands and acts were really obscene.”