Binuksan natin kahapon ang paksa tungkol sa mga adiksiyong maaaring ikasigla ng ekonomiya at maaaring kasimangutan o hindi ng batas. Maganda man o hindi ang dulot ng adiksiyon, parehong mainam iyon sa negosyo ng mga kinauukulan. Narito ang ilang halimbawa ng mga adiksiyon:

  • Adik sa showbiz tsismis. – sapagkat mahilig tayo sa balitang showbiz, lalo na kung ito ay tsismis tungkol sa personal na buhay ng naggagandahan at nagguguwapuhang artista; maroon tayong mga tabloid, magazine, at celebrity news sa TV. Para sa ilan, malaking kita ito kung kaya hindi sapat ang manood ng sine at iwan na lamang ang mga artista sa pinilakang tabing. Pero hindi. Kailangan nilang puntahan ang mga artista, ang silipin ang mga ito sa kanilang mga tahanan o mga bar na pinupuntahan, hanggang sa hindi kanais-nais na mga lugar na sapat na upang ihabla sila sa salang invasion of privacy. sari-saring asunto ang hinaharap ng ilang reporter dahil dito, at hindi nila alam kung sila ay celebrity reporter o maninilip lang.
  • Adik sa sugal. – Maging sa casino man ito o sa isang lihim na lugar sa inyong pamayanan o sa loob ng isang convenience store o sa lotto outlet, at ipinupusta mo ang iyong pera para sa isang chance na magwagi ng limpaklimpak na salapi ay isang kumikitang negosyo para sa kinauukulan. Marami sa atin ang tumataks sa mahirap at manumanong paghahanapbuhay upang sumaglit at pumila sa lotto outlet. Kahit alam mong hindi ka mananalo, tumataya ka pa rin at hindi mo na mapigilan ang sarili mo sa adiksiyong ito.

    Probinsya

    Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

  • Adik sa pornograpiya. – ito ay kaakitakit. Ito ay walang kuwenta. ito ay mina ng ginto. Tanungin mo lang si Hugh Hefner o si Larry Flynt o kahit na sinong nagpapala ng ginto mula sa industriya ng sex. Wala nang mas madaling ibenta kundi ang sex, kahit katiting lamang ang puhunan sa pagmemerkado nito. Available ang pornograpiya sa isang click lang ng mouse o sa suking tindahan ng mga magazine.
  • Adik sa alak at sigarilyo. – Legal ang pagbebenta ng alak. kung magpapasya ang gobyerno na ipagbawala ng alak, para naring tinanggal mo ang isang mahalagang bahagi ng kulturang Pilipino. Mapanganib sa kasulugan ang alak at sigarilyo gayong mabibili ito kahit saan. kahit malinaw sa batas, may mga batang bumibili ng alak at sigarilyo para sa kanilang mga magulang, na pinagbibilhan naman ng mga tindahan