Inihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nahihirapan sila sa operasyon laban sa bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) dahil sa mga nakatirang sibilyan at kanilang iniiwasan na magkaroon ng collateral damage.

Sa kabilang nito, itinanggi ng pamunuan ng AFP na iniwan nilang blangko ang Special Action Committee (SAC) ng Sulu hinggil sa naging operasyon para mapalaya ang dalawang German mula sa kamay ng ASG.

Ayon kay AFP Public Affairs Office (PAO) chief Lt. Col. Harold Cabunoc, bago pa man inilunsad ang operasyon ay nagkaroon na ng pagpupulong ang mga opisyal ng pulisya, militar at ang pinuno ng SAC na si Vice Governor Sakur Tan.

Una rito, nagpahayag ng pagkadismaya si Sulu Gov. Toto Tan na hindi sila naimpormahan hinggil sa nasabing operasyon at sa media na lamang nila nalaman na nakalaya na pala sina Dr. Stefan Okonek at Henrike Dielen.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Nagpatawag ng pagpupulong si Tan noong Miyerkules na dinaluhan ng mga opisyal ng militar at pulisya upang bigyang linaw ang isyu.

Pinag-usapan sa pulong ang sitwasyon ng mga sundalo sa lugar na nahihirapan sa isinasagawang operasyon ng militar laban sa ASG.

Sinabi ni Cabunoc na hindi sila bastabasta na makapagpaputok dahil may mga sibilyan ang nakatira sa mga lugar ng operasyon.

Nagpapatuloy pa rin ang operasyon ng militar sa probinsiya ng Sulu laban sa mga bandido para iligtas ang nalalabing 11 bihag na hawak ng ASG.