Palalakasin at patatatagin ang fighting spirit ng mga biktima ng bagyong ‘Yolanda’ sa Eastern Visayas, partikular sa Leyte, na pinakamatinding sinalanta ng kalamidad halos isang taon na ang nakalilipas.

Ito ay sa pamamagitan ng taunang Cine Europa ng European Union (EU), na unang beses ipalalabas sa Leyte, at mahigit 20 pelikulang pampamilya ang itatanghal.

Sa pagtutulungan nina EU Ambassador Guy Ledoux at Czech Ambassador Jaroslav Olsa Jr., itatanghal ang Cine Europa sa Visayas State University sa Baybay, Leyte at sa University of the Philippines sa Tacloban, at magtatagal ito hanggang sa Oktubre 26.

Internasyonal

For the first time! Disyerto sa Saudi Arabia, nakaranas daw ng snow?