NAGULAT si Sam Milby nang mapasama ang pangalan niya sa pang-apat na puwesto sa 22 Asian Actors Who Deserve To Be Romantic Leading Men sa BuzzFeed website na nai-post noong Oktubre 15, 2014.
Bukod tanging si Sam ang aktor sa Pilipinas na napasama sa listahan ng BuzzFeed, ang Internet news media company sa New York City, USA.
Kasama ni Sam sa listahan sina Daniel Henney na lumabas sa mga pelikulang Seducing Mr. Perfect at American rom-com na Shanghai Calling, at TV show na My Lovely Sam Soon and The Fugitive: Plan B; Sendhil Ramamurthy ng television series na Heroes, Covert Affairs, Beauty & The Beast; Daniel Dae Kim na lumabas sa CSI, NCIS, at ER, Seinfeld at Beverly Hills 90210, Hawaii Five-O, bilang si Jin-Soo Kwon sa Lost; James Kyson, Godfrey Gao, Taiwanese actor; Aziz Ansari, comedian actor; Takeshi Kaneshiro, na nakilala sa pelikulang House of Flying Daggers at tinawag na Johnny Depp ng Asia; Raza Jaffrey napasama sa pelikulang Sex and The City 2, Smash; Utkarsh Ambudkar ng TV series na Mindy Project House of Lies at pelikulang Pitch Perfect; Dennis Oh ng Korean drama na Sweet Spy; Rick Yune, CSI, Boston Legal, at Alias; David Lee McInnis mula sa pelikulang Typhoon at A Moment To Remember; Russell Wong na lumabas sa pelikulang Romeo Must Die, China Girl, The Joy Luck Club, Jump Street, What Women Want; George Takei, veteran Hollywood actor na napanood sa Modern Family; Steven Yeun na kilalang si Glenn Rhee sa Walking Dead; Ken Leung sa TV series na Law & Order, The Sopranos, The Good Wife, Zero Hour; Dev Patel sumikat sa hit movie na Slumdog Millionaire, Skins, The Last Airbender, The Best Exotic Marigold Hotel, at Newsroom; Tony Leung, bida sa Hongkong film na In The Mood For Love; Ken Watanabe, mula sa Letters from Iwo Jima, The Last Samurai, Batman Begins, Inception, Godzilla; Harry Shum Jr., bilang si Mike Chang ng Glee, Stomp the Yard, You Got Served, Step Up 2: The Streets at Step Up 3D at panghuli si John Cho ng Harold and Kumar Films.
Natuwa sa development na ito maging ang management company ni Sam na Cornerstone kaya tinanong namin ang manager ng aktor na si Erickson Raymundo kung may plano pa rin ang binata na ituloy ang pangarap nitong mapabilang sa Hollywood, pero hindi kami sinagot.
Samantala, naiwan sa Amerika si Sam at umuwi ng Ohio para sa tatlong linggong bakasyon kasama ang pamilya at pagbalik ng Pilipinas ay pag-uusapan na ang bago niyang projects.