Nagbabala ang EcoWaste Coalition sa publiko laban sa pagbili ng mga imported na kandilang may metal wick na nagtataglay ng mataas na antas ng lead. Bumili ang grupo ng mga kandila at nasuring mayroon itong mataas na antas ng lead. Kaugnay nito hinimok ng Ecowaste Coalition ang Food and Drug Administration Philippines na ipagbawal ang mga produktong ito.

Inaasahan na ang pagtaas ng demand para sa kandila sa nalalapit na pagdiriwang ng All Saints’ Day/All Souls’ Day ngayong Nobyembre. (Jonathan M. Hicap)

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3