Kung nakapunta ka na sa Thailand, narating na ang Bali at nakabili ng T-shirt sa Vietnam, huwag nang palalampasin ang Palawan, isa sa 7,107 isla ng Pilipinas na hinirang na world’s top island ng mambabasa ng CN Traveler magazine.
Halos isang oras ang biyahe sakay ng eroplano mula sa Manila, ang halina ng Palawan ay nakasandal sa katotohanang nananatili itong hindi nasakop ng international hotel chains at kaunlaran – ngunit patuloy na dinaragsa ng mga turista.
Bukod sa kanyang mga lagoon, beach, at dramatic limestone cliffs, isa sa kanyang nakamamanghang features ay matatagpuan sa kabiserang lungsod ng Puerto Princesa, ang halos walong kilometro (5 milya) na subterranean river na umiikot sa isang underground cave system.
Hindi nakapagtataka na nangunguna ito sa listahan ng top islands sa mundo, tinalo ang Hawaii, na nakakuha ng tatlong puwesto sa top 10 ranking para sa Maui, Kauai at Big Island.
Interesanteng malaman na ang second highest-ranked island ay hindi nagmula sa French Polynesia o sa Caribbean, kundi sa South Carolina.
Ilang minuto ang biyahe mula sa Charleston, ang Kiawah Island ay inilarawang isang maliit na barrier island sa Atlantic coast na tila “a world away.”
Ang destinasyon ay partikular na popular para sa mahihilig sa golf, dahil sa kanyang malawak na 90-hole golf resort.
Narito ang listahan ng top 10 islands ayon sa mambabasa ng CN Traveler. Ang buong listahan ay masisilip sa http://cntrvlr.com/1Fx5uXO.
1. Palawan, Philippines
2. Kiawah Island, South Carolina, USA
3. Maui, Hawaii, USA
4. Kauai, Hawaii, USA
5. Bazaruto Archipelago, Mozambique
6. Great Barrier Reef & Whitsunday Islands, Australia
7. Santorini & Cyclades, Greece
8. St. John, U.S. Virgin Islands
9. Kangaroo Island, Australia
10. Big Island, Hawaii, USA
Samantala, muling sumilip ang mga ekspertong lakwatsero ng Lonely Planet sa kanilang mga bolang kristal at nakabuo ng listahan ng top 10 cities, regions at countries na bibisitahin sa 2015, pinaboran ang Singapore, Washington DC, at Gallipoli Peninsula sa Turkey.
Ang mga destinasyon, na nakapasok sa huling “Best in Travel 2015” ng Lonely Planet – ang kanyang pinakamalaking guidebook ng taon – ay pinili dahil sa kanilang “topicality, unique experiences and ‘wow’ factor.”
Narito ang mga nangungunang destinasyon.
Top 10 Countries
1. Singapore
2. Namibia
3. Lithuania
4. Nicaragua
5. Ireland
6. Republic of Congo
7. Serbia
8. The Philippines
9. St Lucia
10. Morocco
Top 10 Regions
1. Gallipoli Peninsula, Turkey
2. Rocky Mountain National Park, USA
3. The Toledo District, Belize
4. Tasmania, Australia
5. Northern Norway
6. Khumbu, Nepal
7. Copper Canyon, Mexico
8. Flores, Indonesia
9. Atacama Desert, Chile
10. Macau, China
Top 10 Cities
1. Washington, DC, USA
2. El Chaltén, Argentina
3. Milan, Italy
4. Zermatt, Switzerland
5. Valletta, Malta
6. Plovdiv, Bulgaria
7. Salisbury, UK
8. Vienna, Austria
9. Chennai, India
10. Toronto, Canada
(AFP Relax)