GENERAL SANTOS CITY – Isang alkalde sa Sarangani na sinuspinde ng Sandiganbayan nang tatlong buwan kaugnay ng kasong graft ang nagbalik-munisipyo na nitong Lunes.

Sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG)-Sarangani Director Flor Limpin na muling nabalik sa puwesto si Maasim Mayor Aniceto Lopez Jr. matapos siyang masuspinde ng Sandiganbayan noong Hulyo 21, 2014 kaugnay ng kasong graft na isinampa laban dito noong 2005.

Ang kaso ay isinampa kay Lopez at sa municipal treasurer na si Moises Magalona, na inakusahan ng pagbebenta ng mga sticker sa mga bangkang pangisda sa pag-iisyu ng mga pekeng resibo pero hindi naman nai-remit sa pamahalaang bayan ang nakolektang P27,000. (Joseph Jubelag)

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho