Ni LEONEL ABASOLA at HANNAH TORREGOZA

Ibinunyag ni Senator Antonio Trillanes IV na tinangka umanong suhulan ng P10 milyon ang mga testigo para hindi dumalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon sub committee sa mga kontrobersiya ng katiwalian kung saan idinawit ang pamilya ni Vice President Jejomar Binay.

Ayon kay Trillanes, binabayaran ng kampo nI Vice President Jejomar Binay si dating Makati City Engineer Nelson Irasga para hindi ito dumalo sa mga pagdinig.

Nauna nang sinabi ni dating Makati City Vice Mayor Ernesto Mercado sa pagdinig na may kumausap din sa kanya bago pa man siya lumantad sa pagdinig kaugnay ng umano’y “overpricing” ng Makati City Parking Building 2.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Merong mga pahapyaw kung ano ang kailangan, ibibigay huwag lang ako magsalita o ‘wag ko na lang dadagdagan ang sasabihin. Pero tinanggihan ko po yun,” ani Mercado.

Sinabi pa ni Trillanes na dapat si Irasga ay kasabay dapat ni Mercado na magtestigo pero umatras ito kapalit ng P10 milyon bawat pagdinig.

Samantala, iginiit ng negosyanteng si Antonio “Tony” Tiu na siya ang may-ari ng kontrobersiyal na ari-arian sa Rosario, Batangas.

Sa kanyang pagsipot sa sub-committee hearing, sinabi ni Tiu na nabili niya ang 150-ektaryang bahagi ng lupain mula kay Gregorio Laureano, may-ari ng AgriFortuna Inc., na nagkakahalaga ng P446 milyon bagamat ito ay nakapagbabayad pa lamang ng P11 milyon bilang down payment.

Binatikos din ni Cavite Gov. Jonvic Remulla, tapagagsalita ni Binay, na nagmistulang “press conference” ang pagharap ni Mercado sa Senado kahapon sa patuloy nitong pagpukol ng mga akusasyon laban kay Binay na walang umanong basehan.

“A billing statement is not proof of ownership as claimed by Mr. Mercado especially when the authenticity of the signatures can be disputed. Until now Mr. Mercado cannot provide documents providing actual ownership,” iginiit ni Remulla.