Jane Oineza MMK

SA Maalaala Mo Kaya unang napansin ang kahusayan sa pag-arte ni Jane Oineza. Katunayan, naging nominado siya sa International Emmy Awards dahil sa kanyang performance sa “Manika” episode ng MMK noong 2012.

Simula nang lumabas sa Pinoy Big Brother All In ay muli siyang magbabalik at mapapanood sa MMK.

Makakatambal ni Jane Oineza sa unang pagkakataon si Marlo Mortel sa upcoming drama episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado (Oktubre 25). Gaganap sila bilang cancer patients na sina Rovil at Paolo na sa dalas ng pagkikita ay unti-unting mapapamahal sa isa’t isa.

National

Makabayan bloc, pinuna balak ni FPRRD na maging abogado ni VP Sara: 'Desperate political maneuver!'

Nawalan na nang ganang mabuhay si Paolo (Marlo) mula nang ma-diagnose na may leukemia. Ngunit mababago ang pananaw niya sa buhay nang makilala niya ang masayahing si Rovil (Jane) na may mas malubhang kaso ng leukemia kaysa sa kanya. Sa tulong ni Rovil, natutuhan ni Paolo na pahalagahan ang oras at gawin ang lahat ng magpapasaya sa kanila sa bawat sandali ng kanilang buhay.

Posible ba ang habambuhay para sa mga tulad nina Rovil at Paolo na kapwa may taning na ang buhay? Sapat na ba ang pag-ibig para harapin ng buong tapang ang kamatayan?

Makakabituin nina Jane at Marlo sa kanilang unang pagtatambal sa MMK sina Andrea del Rosario, Justin Cuyugan, Mariel Pamintuan, Cheska Billiones, Deydey Amansec, Patrick Sugui, Bryan Homecillo, Jenny Miller, Suzette Ranillo, at Tess Antonio. Ang episode na ito ay mula sa script nina Benson Logrinio at Arah Jell Badayos at sa direksyon ni Raz de la Torre.