Traffic congestion-1_comanda_211014

BAGUIO CITY – Isinusulong ng pamahalaang lungsod ng Baguio na matuloy na ang pagpapatayo ng isang collapsible parking area, bilang sagot sa lumalalang trapiko sa siyudad.

Sa pamamagitan ng ordinansa na ipinasa sa Sangguniang Panglungsod ni Vice Mayor Edison Bilog, ipinapanukala ang pagpapatayo ng collapsible parking area sa kasalukuyang parking area sa may Burnham Park.

Ayon kay Bilog, hindi na mapigilan ang pagdami ng sasakyan sa lungsod at kulang na sa parking, lalo na kapag dagsa ang turista, kaya mainam umano ang collapsible parking dahil madali itong itayo sa pamamagitan ng mga binuong bakal at hindi na mangangailangan pa ng semento.

Calatagan, Batangas, niyanig ng 5.4-magnitude na lindol

“Mas mainam ang ganitong uri ng parking na gaya sa Metro Manila, dahil kung hindi na kakailanganin ay madaling tanggalin o madaling ilipat sa ibang lugar, kaysa naman sa planong underground parking area sa may Melvin Jones na permanente, pero mahigpit na tinututulan,” ani Bilog.

Sinabi ng bise alkalde na mangangailangan ng P10 milyon para sa collapsible parking area na itatayo sa old library, malapit sa Athletic Bowl at plano ring isabay na matayuan ang dating Jadewell Parking area. (Rizaldy Comanda)