Nilinaw ni Senator Antonio Trillanes 1V na walang “overpricing” na naganap sa mga sasakyang multicab na pinodohan mula sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Ang paglilinaw ay ginawa ni Trillanes bunsod ng akusasyon ng United Nationalist Alliance (UNA) na umabot sa P300,000 ang bawat multicab na ipinamahagi niya sa mga local government units (LGU).

Ayon kay Trillanes, ang pondo ay direkta nilang ipinamahagi sa mga LGU na siyang bumili ng multicab kung saan lumalabas ay presyo kada unit nito ay umabot sa P170,000. Subalit, iginiit ng senador na nadagdagang ang gastusin sa mga multicab matapos itong i-covert na ambulansiya.

“The market value of a multicab in good condition amounts to P170,000.00. This is further customized by the requesting local government unit depending on the purpose of its use, either as an ambulance or a patrol car. In addition to the cost for the custom design changes, part of our allocation includes costs for spare parts, operation and maintenance for one year of each multicab,” ani Trillanes.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Aniya, dumaan din ang lahat ng proyekto nito sa Commission on Audit (COA) at ito ay inaprubahan naman ng COA.

Dinagdag pa nito na lahat ng kanyang proyekto ay nakalagay sa kaniyang website kaya maaari itong busisiin ng publiko.