marlisa punzalan

Ni ELLAINE DOROTHY S. CAL

IDINEKLARANG kampeon sa The X-Factor Australia ang 15-anyos na Filipino-Australian na si Marlisa Punzalan.

Umaapaw ang mga papuri para kay Marlisa matapos siyang tanghaling grand winner kaya naman labis ang pasasalamat niya sa lahat ng sumuporta sa kanya hanggang sa huli.

National

Zamboanga del Norte, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol; Aftershocks at pinsala, asahan!

“What an amazing GRAND FINALE!!!! THANK YOU SO MUCH for everything!!! Loved every bit of my incre­dible journey and you are all with me in this,” sabi ni Marlisa sa kanyang Instagram account pagkatapos niyang manalo.

Tumanggap ng standing ovation si Marlisa nang kantahin niya ang Yesterday ng The Beatles na isa sa tatlong inawit niya sa grand finale. Pinahanga rin niya ang lahat sa bersiyon niya ng Stand By You at Never Be The Same.

Ilang oras bago ang grand finals ay hindi maitago ang excitement ni Marlisa, base sa mga pahayag niya sa Instagram, at hinimok niya ang mga manonood na patuloy siyang suportahan.

“XF Grand Finals tonight at 8 pm Channel 7!!! We have lots of exciting performances just for you!!! Please don’t forget to vote it means the whole world to me!!! Thank you for being with me in this incredibly exciting journey!!!” ani Marlisa.

Nakatunggali ni Marlisa ang sibling trio na Brothers3 at ang 22-anyos na travelling musician na si Dean Ray.

Sinabi naman ng judge at mentor ni Marlisa na si Ronan Keating na deserving ng standing ovation ang Pinay singer.

“You picked the great time to get a standing ovation. You have been such an incredible person through this whole journey. As a mentor, I could not have asked for a better contestant,” saad ng dating miyembro ng Boyzone.

Si Marlisa ang pinakabatang nanalo sa X-Factor, at mayroon na siyang garantisadong recording contract mula sa Sony Music Australia.

Ayon sa personal niyang website na Ang Kalatas Australia, kapwa Pinoy ang mga magulang ni Marlisa, na isinilang sa Sydney, Australia noong Oktubre 1999. Dalawang taon pa lang ay kumakanta na siya, at siyam na taong gulang nang unang manalo sa singing competition. Labindalawang taong gulang naman siya nang magkaroon ng una niyang solo concert.

Sinabi ni Marlisa na pitong taong gulang pa lang siya ay nais na niyang sumali sa X-Factor upang matupad ang pangarap niyang maging singer, ngunit aminado siyang mahiyain siya.

Napaulat na plano rin ni Marlisa na umuwi sa Pilipinas at bisitahin ang mga kababayan ng kanyang magulang sa Bataan.