Inabisuhan ang mga motorista na iwasang dumaan sa Osmeña Highway simula Biyernes ng gabi dahil sa paggiba ng boundary marker ng Makati-Manila upang bigyang-daan ang pagtatayo ng mga haligi para sa Skyway na mag-uugnay sa South at North Luzon Expressway.

Ayon sa Central Expressway Corp. (Citra), ang operator ng Metro Manila Skyway System, tatlong northbound lane at apat na southbound lane sa Osmeña Highway—sa pagitan ng Zobel Roxas at Fahrenheit Street—ang isasara sa trapiko simula 11:00 ng gabi sa Biyernes hanggang 5:00 ng umaga sa Sabado, bunsod ng demolisyon ng nasabing istruktura.

“The two remaining open southbound lanes may be used alternately by both northbound and southbound motorists on a stop-and-go traffic scheme,” pahayag ng Citra.

Sa pakikipag-ugnayan sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Manila Parking and Traffic Bureau, Manila District Traffic Enforcement Unit, Makati Public Safety Authority, at Skyway Stage 3, sinabi ng Citra na natukoy na nila ang mga alternatibong ruta para sa mga motorista.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Magkakabit ito ng mga traffic advisory at directional signboard upang magsilbing giya sa mga motorista.

Ang Skyway Stage 3 ay isang 14.8-kilometer elevated toll way na mag-uugnay sa SLEX at NLEX mula Buendia sa Makati City hanggang sa Balintawak, Quezon City.

Isinara ang center island ng Osmeña Highway at dalawang southbound inner lane noong Pebrero sa pagsisimula ng proyekto habang ang full-scale construction nito ay sinimulan noong Abril.

Inaasahang matatapos ang Skyway Stage 3 sa loob ng 36 na buwan. (Kris Bayos)