Oscar  de la renta

NEW YORK (AP) — Pumanaw na si Oscar de la Renta, ang worldly gentleman designer na humubog sa kasuotan ng mga socialite, first lady at Hollywood star sa loob ng mahigit apat na dekada. Siya ay 82.

Si De la Renta ay namatay sa kanyang bahay noong Lunes ng gabi sa Connecticut habang nakapaligid ang kanyang pamilya, mga kaibigan, at “more than a few dogs,” ayon sa isang handwritten statement na nilagdaan ng kanyang stepdaughter na si Eliza Reed Bolen at asawang si Alex Bolen.

Hindi nakasaad sa pahayag ang sanhi ng kanyang pagkamatay, ngunit sa nakalipas ay binanggit ni de la Renta na siya ay may cancer.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Isinilang sa Dominican Republic at nag-aral sa Spain, ang New York-based designer ay tumulong sa paghubog sa American style noong 60s at 70s — at ang kanyang impluwensiya ay masisilayan hanggang sa kasalukuyan.

Specialty ni De la Renta ang eveningwear, ngunit nakilala rin siya sa kanyang chic daytime suits. Ang kanyang signature looks ay malalapad na palda, mabusising burda at matitingkad na kulay.

Kamakailan ay dinisenyo niya ang wedding dress ni Amal Alamuddin nang ikasal ito kay George Clooney.

Ilan sa kanyang mga kilalang kliyente ang mga US first lady na sina Michelle Obama, Laura Bush at Hillary Rodham Clinton.

Unang napansin si de la Renta nang makita ng asawa ng US Ambassador to Spain ang ilan sa kanyang sketches at hiniling na igawa niya ng damit ang anak nitong babae – ang damit na ito ay itinampok sa pabalat ng Life magazine.

Sinabi niya sa AP noong 2004 na malaking impluwensiya ang kanyang Hispanic roots sa kanyang mga disenyo.

“I like light, color, luminosity. I like things full of color and vibrant,” aniya.