ABUJA, Nigeria (AP) — Idineklara ng World Health Organization noong Lunes na malaya na sa Ebola ang Nigeria, isang pambihirang tagumpay sa isang buwang pakikipagdigma sa nakamamatay na sakit.

Ang pagsugpo ng Nigeria sa mabagsik na sakit ay isang “spectacular success story,” sabi ni WHO Country Director Rui Gama Vaz sa isang news conference sa Abuja, ang kabisera ng Nigeria. Iniulat ng Nigeria ang 20 kaso ng Ebola, kabilang na ang walong namatay. Isa sa mga namatay ay ang pasahero sa eroplano na nagdala ng Ebola sa Nigeria.

Inilabas ng WHO ang anunsiyo makalipas ang 42 araw — doble sa maximum incubation period ng sakit — simula nang nasuring negatibo ang huling kaso sa Nigeria.

“The outbreak in Nigeria has been contained,” ani Vaz. “But we must be clear that we only won a battle. The war will only end when West Africa is also declared free of Ebola.” Sinabi ng WHO na tinunton ng Nigeria ang halos lahat ng nakasalumuha ng mga pasyente ng Ebola sa bansa, na lahat ay inugnay sa unang pasyente ng bansa, isang lalaking Liberian na dumating na taglay ang mga sintomas sa Lagos at namatay kalaunan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Upang maideklarang opisyal nang natapos ang isang outbreak, tinipon ng WHO ang isang committee on surveillance, epidemiology and lab testing upang matiyak na naabot ang lahat ng kondisyon.