LIPA CITY – Pinaghahanap ang isang 45-anyos na bilanggo matapos umanong makatakas habang naka-confine sa isang ospital sa Lipa City, Batangas.

Kinilala ang suspek na si Marvin Reyes, ng Barangay Dagatan, sa lungsod.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), nahirapan umanong huminga si Reyes kaya dinala sa Lipa City District Hospital pero tumakas ito noong Lunes ng hatinggabi.

Nakakulong sa himpilan ng pulisya sa Lipa City si Reyes kasama ang live-in partner nito matapos ireklamo ng physical assault. - Lyka Manalo

Internasyonal

Pope Leo XIV sa paparating na Pasko: 'Find one person with whom to make peace'