TARLAC CITY - Malaking problema ang kinahaharap ngayon ng isang Supply PNCO matapos mawala sa kanyang pag-iingat ang isang .9mm caliber na Pietro Beretta pistol na nasa stock room ng himpilan ng Tarlac City Police.

Ayon kay PO3 Gregorio Villajos Jr. nang mag-check siya ng records at buksan ang locker na kinalalagyan ng baril ay nawawala na ito.

Nag-iimbestiga na si Senior Insp. Angelito Angel, ng Tarlac Provincial Crime Laboratory Office, para malaman kung may finger prints ang nagbukas sa locker sa pag-asang makikilala ito.

Hulyo ngayong taon nang nawala sa pag-iingat ni Villajos ang isang set ng susi, bagamat mayroon siyang duplicate ng mga ito.

National

'The President strongly rejects!' Palasyo, binuweltahan 'terror hotspot' label ng ilang foreign media sa Pilipinas