Arellano's Julius Cadavis, Nards Pinto and Isiah Ciriacruz battle for the ball against San Beda's Anthony Semerad during game 1 NCAA action at SM Mall of Asia Arena.   Photo by Tony Pionilla

Mga laro ngayon (Mall of Asia Arena)

11 am -- Mapua VS. San Beda Urs)

1 :30pm -- Arellano vs. San Beda (srs)

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Makaraan ang kanilang naranasang 66-74 na kabiguan sa Game 1, nangako ang Arellano University na sisikapin nilang bawian ang defending champion at 5-peat seeking San Beda College sa Game 2 ng kanilang best-of-3 finals series na magaganap ngayong ala-1:30 ng hap on sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ayon kay Chiefs head coach JerryCodinera, paramaisakatuparan ang misyong ito, kinakailangang mabago ang nasa isipan ng kanyang mga players na tila nakuntento at nasiyahan na sa kanilang ina bot na pagpasok ng finals, ang kanilang unang pagtuntong sa kampeonato magmula na makasali sa liga noong 2009.

"That's what I'm telling them," pahayag ni Codiilera. "Kailangan tapusin na 'yung mindset na nakapasok na kami ng Finals. For us to beat San Beda, we have to change our mindset."

"There are others who were still celebrating (the feat of making the finals) at kaya nabugbog kami nung una," dagdag pa nito.

Umaasa si Codinera na ngayong naranasan na nila ang maglaro sa finals, marahil ay magkakaroon na ng pagbabago sa susunod nilang laban at nangakong gagawa rin ng adjustments upang makapagsimual sila ng malakas kumpara sa kanilang nagging malamyang panimula sa Game 1 noong nakaraang Lunes na kinakitaan ng maagang paglayo ng Red Lions.

"At least na feel nila yung jitters ng playing for the first time in the finals, pero dapt tapos na 'yun, kailangan iba na yung ipakita nila next game," ayon pa sa Chiefs mentor.

Kabilang sa mga inaasahang babawi sa Game Two ni Codinera para sa Chiefs ay ang mag PBA-bound na sina Nard Pinto at Prince Caperal gayundin sina Keith Agovida at Jiovanni Jalalon.

Sa panig naman ng Red Lions, tatangkain nilang tapusin na ang serye upang ganap nang maibigay sa kanilang eskuwelahan ang pangarap na 5-peat na naunang ginawa ng kapitbahay nilang San Sebastian College noong 1993 hanggang 1997.

Gayunman, kinakailangan pa rin aniya nilang maging handa ayon kay coach Boyet Fernandez dahil nakakatitiyak silang magsisikap na bumawi ng Chiefs.

"We just have to be ready because I'm sure they're gonna make some adjustments and try to bounce back next game," ani Fernandez na muling aasahan sina Mythical Team member Ola Adeogun,Baser Amer, ang mga PBA bound na sina Kyle Pascual at ang kambal na sina Anthony at David Semerad gayunin ang iba pang mga beterano ng team na sina Arthur de la Cruz,Ryusei Koga at Jaypee Mendoza.

Samantala, mauuna rito, tatangkain din ng Mapua na tapusin na ang championship series nila ng San Beda kasunod ng kanilang naitalang 84-75 na panalo sa Game 1 ngserye.

Ngunit gaya ni Fernandez, sinabi ni Red Robins coach Randy Alcantara, kailangan nilang maging handa dahil tiyak na magsisikap na bumawi ng Red Cubs.

"Siyempre gagawa rin sila ng adjustments so kailangan mag-double pa kami ng effort kung kakayanin and we have to find a way to stop Kenneth Alas kasi sya yung nagpahirap sa min," pahayag ni Alcantara na tinutukoy ang isa sa mga anak ni dating Letran coach Louie Alas na naglalaro ngayon para sa San Beda.