CAMP NAKAR, Lucena City – Tinutugis ng pulisya ang apat na hindi pa nakikilalang suspek na responsable sa pagpatay sa isang 55-anyos na transgender at may-ari ng bar na pinagsasaksak sa Barangay Wakas sa Tayabas City, Quezon.

Kinilala ni Senior Supt. Ronaldo Genaro E. Ylagan, hepe ng Quezon Police Provincial Office, ang biktimang si Joselito Valencia Añonuevo, alyas Joy, walang asawa, may-ari ng Koozy Resto Bar, at residente ng 41 Mariano Ponce Street, Bgy. San Diego Zone 2 sa Tayabas City.

Sinabi ni Ylagan na bandang 9:30 ng umaga noong Lunes nang natagpuan ang biktima sa basement ng sarili nitong bar na wala nang buhay at tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nauna rito, may nag-report sa Tayabas City Police na kahina-hinala ang pagkakabukas sa bar ni Añonuevo pero bangkay ng huli ang natagpuan ng pulisya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon sa imbestigasyon, bandang 11:30 ng gabi noong Linggo nang mangyari ang pagpatay at batay sa salaysay ng mga kapitbahay ay naulinigan ang mga ingay at sigaw ng biktima mula sa loob ng bar.

Nawawala rin ang tablet computer at hindi pa tukoy na halaga ng cash ng biktima ang nawawala at pinaniniwalaang tinangay ng mga suspek. - Danny J. Estacio