Mga laro ngayon (Cuneta Astrodome):

2pm -- Cignal vs Mane 'n tail (W)

4pm -- RC Cola-air Force vs Foton (W)

6pm -- Cignal vs Bench (M)

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Masasaksihan ngayon ang kalidad ng apat na reinforcements sa pagsagupa ng expansion club na Mane ‘N Tail at Foton na inaasahang malalasap ang matinding kumpetisyon sa pakikipagkita sa powerhouse na Cignal at RC Cola- Air Force sa 2014 Philippine Superliga Grand Prix na handog ng Asics sa Cuneta Astrodome.

Sasabak ang Lady Stallions sa labanan ganap na alas-2 ng hapon habang pilit gagawa ng sariling intensidad ang Tornadoes sa kanilang inaabangang debut sa alas-4 ng hapon sa women’s division ng prestihiyosong inter-club tournament na inorganisa ng Sports Core kasama ang Air 21, My Phone, Via Mare, Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Generika Drugstore, LGR at Jinling Sports bilang technical partners.

Sisimulan naman ng Bench-Systema ang kampanya sa pagharap sa Cignal ganap na alas- 6 ng gabi sa men’s division.

Pinamumunuan ni actorsportsman Richard Gomez, ilalatag ng Active Smashers ang all-out war na kampanya bunga ng kumpleto nitong koponan na kinabibilangan ng high-leapers na sina John Depante, Chris Macasaet at ang isa sa matindi sa pagblangka na si Rocky Hondrade.

Bago muna ang salpukan ay makikita ng tagasuporta ng liga ang Filipino-American member ng United States men’s volleyball team na si David McKienzie na dadalaw sa liga upang bigyan ng morale boosting na inspirasyon ang mga manlalaro sa men’s side.

Ang 35-anyos na open hitter at nagrehistro ng record-breaking 58-kill performance sa NCAA Division I na si McKienzie ang nanguna sa US squad noong 2008 Beijing Olympics bago nagkampanya sa Puerto Rico at Kuwait. Bumalik ito sa US national team noong 2012 kung saan tinulugan nito ang koponan na magwagi ng pilak sa International Volleyball Federation (FIVB) World League at sa 2012 London Games.

Nasa bansa si McKienzie bilang ambassador para sa Under Armour.

Gayunman, nakatuon ang lahat sa Lady Stallions – isa sa dalawang bagong miyembro ng liga na sanctioned ng Philippine Volleyball Federation (PVF), Asian Volleyball Confederation at FIVB.

Nagbabalik si Kaylee Manns, ang dating Iowa setter na popular sa pagiging maganda at husay na nakita sa kanyang unang paglalaro sa import-laced conference, sa paglalaro nito kasama ang dating Florida Gator na si Kristy Jaeckel para sa Mane ‘N Tail.

Gayunman, inaasahang mahihirapan ang Lady Stallions sa pagsagupa nito sa nagpapakitang husay na Cignal HD na nakisalo sa liderato sa pag-uwi ng madaling 25-17, 25-23, 25-23 panalo kontra sa RC Cola- Air Force sa pagbubukas ng liga.

Namuno sa Cignal ang reinforcement nitong si Sarah Ammerman na may 18 puntos habang ang kapareha nito na si Lindsay Stalzer ay may 15 puntos para sa koponan ni coach Sammy Acaylar.

“With the way we played in our first game, I’m expecting another wonderful performance from my team,” sabi ni Acaylar. “We came up with a gameplan where the skills of our imports will be utilized. Fortunately, it worked. That’s what I want to do in our next game against Mane ‘N Tail.”

Sasandigan muli sina Ammerman at Stalzer’s kontra kina Jaeckel at Manns na tutulungan naman nina seasoned stalwarts Mitch Datuin, Lilet Mabbayad, Michiko Castaneda at Sarah Espelita.

“It’s going to be difficult, but we’re not backing down,” sabi lamang ni Lady Stallions coach Francis Vicente, na unang ginayahan ang national men’s team sa disenteng pagtatapos sa Asian Men’s Club Championship noong 2013.