Matapos ang unang semestre, nangunguna ang University of Santo Tomas sa labanan para sa general championship kontra sa defending champion De La Salle University sa ginaganap na UAAP Season 77.

Gayunman, mayroon lamang limang puntos na kalamangan ang UST kontra sa La Salle sa natipon nitong 152 puntos na nanggaling sa tagumpay nila sa women's beach volleyball, men's taekwondo, men's at women's judo.

Nagtataglay ng pinakamaraming seniors overall title sa kabuuang bilang na 39, nagtapos ding runner-up ang UST sa men's beach volleyball at pumangatlo naman sa women's taekwondo, poomsae, men's swimming at men's table tennis.

Bumawi ang Tigers sa kanilang kabiguan sa men’s basketball kung saan tumapos lamang silang pang-anim, ang pinakamababa nilang pagtatapos makaraang maging second placer sa nakalipas na dalawang taon.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Nakatipon naman ang Green Archers ng kabuuang 147 puntos para pumangalawa sa Tigers.

Nagwagi ang La Salle sa men’s at women's table tennis habang tumapos naman silang runner-ups sa women's beach volleyball, men's badminton, women's taekwondo at poomsae at pumangatlo naman sa men's basketball, women's basketball at women's swimming.

Nasa ikatlong puwesto naman ang University of the Philippines na may 130 puntos matapos magwagi sa women's taekwondo, women's badminton at poomsae at runner-up sa No. 2 in men's table tennis, women's table tennis, men's swimming at women's swimming at pumangatlo sa men's judo.

Nasa ika-apat na posisyon naman ang Ateneo na may 114 puntos, panglima ang National University na nagkampeon sa men’s at women’s basketball na may 99 puntos.

Pumapang-anim lamang ang Far Eastern University namay 91 puntos, kasunod ang season host University East na may 66 na puntos at pnakahuli ang Adamson na may 53 puntos.

Binibigyan ng UAAP sa kanilang ginagamit na point system ng 15 puntos ang lahat ng mga champion teams, 12 puntos ang runner-up, 10 punyos ang third, 8 puntos ang pang-apat, 6 na puntos sa panglima, apat na puntos sa pang-anim, dalawa sa pampito at isa sa pangwalo. (Marivic Awitan)