GERMAN Marc Seuselbeck arrives at the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 to visit the wake of his fiancé – Filipino transgender Jeffrey ‘Jennifer’ Laude – in Olongapo City. (Ariel Fernandez)

Minabuti nang ipasok ni Atty. Harry Roque sa Witness Protection Program (WPP) ang pangunahing testigo, na itinago sa pangangalang “Barbie” sa kaso ng pagpatay sa transgender na si Jeffrey Laude, alyas “Jennifer”.

Ayon kay Roque, nagpasya siyang ipasok sa WPP ang hawak nilang testigo matapos niyang matunugan na sinusundan ng isang espiya umano ng Amerika ang mga galaw nito.

Isiniwalat ni Roque na may isang Amerikano na nakabuntot sa kanya habang inaasikaso ang kaso ng pagpaslang kay Laude.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Siguradung-siguradong Amerikano po ‘yun. Ang tindig po niya ay tindig-sundalo,” paglalarawan ni Roque.

Sa salaysay ni Roque, nagpunta siya sa tanggapan ng piskalaya, matapos makipagpulong, nakita niyang pumasok naman ang nasabing espiya.

Nang magtungo naman sa presinto, nakita rin ang presensiya ng nasabing Amerikano hanggang pagpunta niya sa bahay ng isang testigo, nakita niya sa paglabas niya ng bahay na naroon na naman ang espiya.

Ayon kay Roque, tinangka niyang komprontrahin ang sinasabing espiya pero pinigilan siya ng mga kasamahan para hindi na magkaroon ng gulo.