LEGAZPI CITY -- Binalewala ng mabisang disaster risk reduction (DRR) system ang matinding paghamon at pinasalang dulot na bantang pagsabog ng Mayon Volcano sa ekonomiya ng Albay at patuloy na pagsulong ng lalawigan.

Ayon kay Albay Gov. Joey Salceda, patuloy pa rin ang pagsulong ng kanilang lalawigan “dahil nagkaroon na ito ng mataas na antas ng ‘resiliency’ sa mga natural na kalamidad”. Hindi maikakaila na ito ay nangyari sa ilalim ng kanyang pangangasiwa.

Matapos salantain ng Typhoon Reming ang 45% ng Albay GDP noong Nobyembre 30, 2006, kinikilala na ngayon ang lalawigan bilang “fastest growing tourism destination” sa bansa. Ang mga ito ay bunga ng sound governance na tinatampukan ng mga kapaki-pakinabang na mga programa. Sa pangkalusugan, napalawak ng Albay ang PhilHealth membership ng mga mamamayan nito sa mahigit 177,000 noong 2013 mula sa 17,000 noong 2006.

Dahil sa malikhaing education program ng Albay, tumaas ito sa ika-19 puwesto sa National Achievement Test noong 2012 mula sa ika-177 noong 2007. Sa ilalim ng Albay Higher Education Contribution Scheme (, lumaki rin ang bilang ng sinusuportahan nitong mga scholar sa 77,137 ngayon mula sa 34,000 noong 2007 at ito ay tataas pa sa 188,000 sa 2016.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Bilang pagkilala sa kanayang mga pangunahin at malikhaing inisyatibo sa climate change adaptation, idineklara ng United Nations si Salceda bilang Senior Global Champion for Disaster Risk Reduction noong 2009, at ang Albay bilang pandaigdigang modelo nito. Sa ilalim din ng pamamatnugot ni Salceda bilang 3-term chairman ng Bicol Regional Development Council, naging pinakamabilis na sumusulong na rehiyon ang buong Bicolandia na nagtala ng 9,4% paglago nitong nsakaraang 2013.