Ipinasa ng House Committee on Health ang panukalang magkaroon ng komprehensibong plano para masugpo ang sakit na tuberculosis (TB) sa bansa.

Pinagtibay ng komite ni Rep. Eufranio Eriguel, M.D. (2nd District, La Union) ang House Bill 5042 (Comprehensive Tuberculosis Elimination Plan Act), kapalit ng House Bills 259 at 3178 na inakda ni Rep. Angelina Tan, M.D. (4th District, Quezon) at ng HB 299 ni Rep. Eulogio “Amang” Magsaysay (Party-list, AVE). Layunin ng panukala na bigyang-aral ang publiko hinggil sa pagpigil, pagtukoy, pamamahala, paggamot at ganap na pagsugpo sa tuberculosis.
Probinsya

Mag-asawang sakay ng motorsiklo, patay sa ambush; anak himalang nakaligtas