Sa bisa ng Presidential Proclamation No. 493 noong Oktubre 21, 2003, idineklara ang Oktubre bilang Cooperative Month. Ang selebrasyon ngayong tao ay may temang “Kooperatibe: Maaasahan sa Pagsulong ng Kabuhayan at Kapayapaan ng Bansa”. Tampok sa okasyon ang pagdaraos ng 12th National Cooperative Summit noong Oktubre 16-18, 2014, sa Cebu City, kung saan dumalo ang 4,000 delegado mula sa mga kooperatiba sa buong bansa at nakilahok sa mga aktibidad na nagpapakita ng mga kontribusyon at tagumpay ng kilusan ng kooperatiba sa pagpapaangat ng buhay at mga komunidad.

Ang 1st Metro Manila Cooperative Congress ay naunang inilunsad sa Pasay City upang magbigay gn updates hinggil sa estado at mga plano ng mga kooperatiba sa rehiyon. Sa buong bansa, may mga aktibidad na kinabibilangan ng tree planting, awarding ng outstanding cooperatives, at pagdaraos ng mga trade fair.

Ang mga kooperatiba, na tinatawag ding mga co-op, ay aktibo sa pagtupad ng kanilang mga layunin at misyon. Pinatitibay ng gobyerno ang mga kooperatiba upang mapasigla ang kabuhayan ng maliliit na mangsasaka, mangingisda, mga manggagawa, at maralita sa mga lungsod. Nagkakaloob ang mga kooperatiba ng ng mga pangangailangan ng mga miyembro sa pamamagitang ng suporta sa pagmemerkado, pautang, bagong teknolohiya, edukasyon, kabuhayan, at mga scholarship para sa kanilang mga anak. Ang mga lokal na kooperatiba – electric, farmer, vendor, market, o fisherman group – ay nagbibigay ng kapangyarihan sa mga mamamayan sa mga lalawigan. Katuwang sila ng gobyerno sa paghahatid ng kabuhayan at negosyo upang maresolba ang mga problema ng insurhensiya. Nakabase ang mga kooperatiba sa pag-ayuda sa sarili, pagiging patas, at pagkakaisa.

Ang mga programa at serbisyo ng kooperatiba ay nakatutulong sa pagpapaangat ng estado ng mga miyembro sa lipunan at ekonomiya, ang pasiglahin ang kanilang mga komunidad. Sinasanay ang mga miyembro na maging mga leader at linangin ang kanilang husay sa pagnenegosyo at pati na ang kanilang naiimpok. Umaangat ang kanilang pamumuhay sapagkat mayroon silang trabaho at nagiging self-sufficient.

National

Ex-Pres. Duterte, ikakampanya si Quiboloy: 'Marami siyang alam sa buhay!'

Mahigit 22,000 ang kooperatiba sa bansa, na may membership base na 12 milyong indibiduwal, kumpara sa 9.3 milyong miyembro sa Argentina, 7.6 milyon sa Brazil, at 9.8 milyon sa Britain. Nakarehistro sila sa Cooperative Development Authority (CDA), na nilikha sa bisa ng Republic Act 6939 noong Marso 10, 1990, upang itaguyod ang paglago ng mga kooperatiba bilang mga instrumento ng equity, social justice, at economic empowerment. Umuugnay ang CDA sa mga sectoral group upang mapahusay ang produktibidad at ihatid ang pakinabang ng teknolohiya sa mga benepisyaryo, lalo na sa maliliit na magsasaka at mangingisda. Ang RA 9520, o ang Philippine Cooperative Code of 2008, ay nilagdaan noong Pebrero 17, 2009 upang humarap sa mga paghamon ng pandaigdigang ekonomiya at ang paglaganap ng information technology.

Sa daigdig, mayroong mahigit isang bilyong miyembro ng mga kooperatiba. Kinikilala ang mga kooperatiba ng mga gobyerno at mga leader bilang tagasulong ng kaunlaran sa lipunan at ekonomiya ng mga bansa at instrumento upang umangat ang pamumuhay ng maralita. Ang kooperatiba ay isang kasangkapan upang maresolba ang pandaigdigang gutom, at bigyang kapangyarihan ang sektor ng maralita.