Kim Chiu

SA taping ng magtatapos nang Ikaw Lamang, masayang-masaya si Kim Chiu na nagkuwento sa pagkakapili sa kanya among so many applicants para mag-pose as Mulan para sa Disney calendar na ilalabas next year.

Ipinadala raw ng Star Magic ang larawan niya at masuwerte namang siya ang napili. Sa Singapore ang pictorial ng Disney calendar.

Masaya man, may lungkot ding nararamdaman si Kim sa pagtatapos ngayong linggo ng top-rating primetime serye na pinagbibidahan nila ni Coco Martin sa ABS-CBN. Pakiramdam ni Kim ay parang nabawasan siya ng isang pamilya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Marami siyang natutuhan sa mga kasamahang artista sa Ikaw Lamang lalo na kay Coco na ibinuking niya na ‘pag nagsimula nang tumawa ay aabutin ng sampung minuto bago tumigil.

“Kaya lahat kami sa set, tawa na rin nang tawa. At least, kahit sobrang drama, iyakan, may galit at lungkot, ‘tapos, after that, tatawa na lang kami nang tatawa, yun,” kuwento ng aktres.

Wala pang idea si Kim kung ano ang magiging ending ng serye nila ni Coco. Pero kung siya nga raw ang masusunod, sa sobrang bigat ng serye ay mas gusto raw niyang maging happy ending ang kuwento. Dapat naman daw na masaya ang maramdaman ng mga sumubaybay sa serye.

“Kahit maging sa dulo man lang ay maihatid namin na masaya sila, maging para sa amin, at yun, para sa ending ng teleserye,” lahad pa ng lalong gumagaling na aktres.

Aware si Kim sa positive feedbacks sa performance niya sa Ikaw Lamang. Mas napansin talaga ang pagiging aktres niya sa tindi at bigat ng mga ipinakita niyang acting sa madadramang eksena.

“Nagpapasalamat nga ako sa Dreamscape at sa lahat ng mga kasama ko rito. Siyempre, kasama ko si Coco at ang sobrang magagaling na artista. Sabihin mo kung sino ang magaling na artista dito sa ating industriya ay nandito sila sa Ikaw Lamang. Siguro naisama ako du’n, at napansin ang kakayanan ko,” napangiting saad ng dalaga.