Isang Kenyan cyclist, si John Njoroge Muya, ang nasawi matapos na dumayo sa bansa at lumahok sa isinagawa na Tour of Matabungkay.

Ito ay matapos siyang maaksidente ganap na alas-10 ng umaga noong Sabado, Oktubre 18, at hindi na nakaabot pa sa ospital ng buhay.

“An ambulance was on the spot and our coach Rob arrived a minute later. He was transported to the nearest hospital but his injuries were beyond saving. Several hours later Rob arrived at the hotel and informed Sammy, Suleiman (Tom), Kathurima and Jeff,” ayon sa ulat ng koponang kinabibilangan ni Njoroge.

Agad na ipinaalam din ng koponan ang aksidente sa kanyang pamilya sa Kenya sa tradisyonal na paraan mismo ng mga koponan na isinagawa ni Zakayo, ang first captain ng Kenyan Riders. Sumunod na ipinaalam ni Simon Blake ang insidente sa lahat ng miyembro ng Kenyan Riders matapos ang kanilang karera sa Machakos, Kenya.

Probinsya

Mag-asawang sakay ng motorsiklo, patay sa ambush; anak himalang nakaligtas

Bago ang insidente ay iprinisenta pa kay Njoroge ang kanyang unang yellow jersey bilang lider ng karera. Una naman nitong napagwagian ang individual time trial noong nakaraang umaga at sa hapon ay tumapos na kabilang sa lead lead group sa road race.

Naiwanan ni Njoroge ang kanyang asawa at isang anak na lalaki.

“We will do everything we can to help them rebuild their lives. Nicholas Leong will remain in the Philippines to facilitate the transportation of Njoroge's body to his family in Kenya,” sabi naman ng opisyales ng koponan.

Inokupahan naman ni Ayub Kathurima na dating nasa ikatlong puwesto ang pagsusuot ng yellow jersey para sa mga Kenyan Riders na hindi malaman kung paano naganap ang insidente.

Isinagawa naman sa huling araw ng karera base na rin sa napagkasunduan ng organizers at lahat ng race manager na ipedal ang isang organisadong neutral, non-competitive ride, bilang pagbibigay pugay sa nasawing Kenyan rider.