JAKARTA, Indonesia (AP)— Inagurahan na si Joko “Jokowi” Widodo bilang bagong pangulo ng Indonesia noong Lunes, nahaharap sa mga hamon ng pagpapalakas sa huminang ekonomiya at pagtatrabaho kasama ang masungit na oposisyon.

Si Widodo, ang unang Indonesian president na hindi nagmula sa hanay ng kilalang political, business at military elite, ay nanumpa sa isang seremonya sa parliament sa kabiserang Jakarta, na dinaluhan ng mga lider sa rehiyon, at ni US Secretary of State John Kerry. Isang dating furniture salesman, ang 53-anyos na si Widodo ay umangat mula sa simpleng pamumuhay at naging gobernador ng Jakarta bago nakuha ang 53 porsiyento ng boto noong Hulyo.

Papalitan niya si outgoing President Susilo Bambang Yudhoyono na ang dalawang termino ay itinuon sa democratic consolidation at paglaban sa Islamist militancy.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race