KUALA LUMPUR (AFP)— Iniimbestigahan ng Islamic authorities sa Malaysia ang kontrobersyal na “dog patting” event na naglalayong alisin ang masamang pananaw sa man’s best friend sa multi-ethnic Muslim-majority na bansa.

Ang okasyon, pinamagatang “I want to touch a dog” at ginanap sa isang parke sa Kuala Lumpur noong Linggo ay hinikayat ang paghimas sa mga aso -- itinuturing na marumi sa Islam – at iniulat na umakit ng daan-daang Muslim, na ikinagalit ng mga relihiyisong lider.

Sinabi ng Islamic authorities na iimbestigahan nila ang okasyon, habang nagpahayag ang Muslim leader na si Nooh Gadut na ang tagpo ay isang tangkang pag-iinsulto sa mga imam.

“Don’t try to create a culture that is opposite to Islam,” aniya sa local media.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon