Upang maibsan ang matinding trapik sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) na binubuno ng mga motorista, magtatayo ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng isang “bikini island” sa EDSA-North Avenue sa Quezon City kung saan naiipit ang maraming sasakyan.

Sinabi ni Emerson Carlos, MMDA assistant general manager for operations, na papalitan ng bikini island ang center island sa pagitan ng SM North EDSA at Trinoma.

Nagsisilbing U-turn slot ang center island para sa mga pribadong sasakyan at pampasaherong jeep na nagpapabigat sa trapik sa lugar.

“Napansin namin na nagiging choke point sa North Avenue, lalo na sa Congressional, at ito ay dahil sa mga U-turn slot. Kung lumagpas sila sa U-turn, nababara ang daloy ng sasakyan,” paliwanag ni Carlos.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Aniya, babaguhin din nila ang posisyon ng mga bus separator, tatanggalin ang mga loading at unloading area habang iibahin ang ilang U-turn slot na itinuturong ugat ng trapik sa lugar.

“Starting next week, we will implement these geometric and engineering improvements in a move to address the traffic congestion in the area,” pahayag ni Carlos sa programa ng MMDA sa DZBB.

Inilarawan ni Carlos ang “bikini island” na isang isla na hugis bikini.