Dalawang malalaking infrastructure project ang inaprubahan ni Pangulong Aquino upang maibsan ang problema sa trapik sa Metro Manila.

Tinalakay ang dalawang proyekto – P1.271 bilyong Sen. Gil Puyat Avenue-Makati Avenue-Paseo de Roxas underpass at P4 bilyong Metro Manila interchange – sa pagpupulong ni Aquino sa kanyang economic manager sa Malacañang kamakailan.

“President Aquino and the Cabinet addressed some vital aspects of Metro Manila’s traffic problem with the approval of two major infrastructure projects of the Department of Public Works and Highways (DPWH) at the NEDA Board meeting last Friday,” pahayag ni Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma Jr.

Sinabi ni Coloma na inaasahang matatapos ang Makati underpass project sa 2016.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Inaasahan din na makatutulong ang pangalawang road link project ng DPWH sa Quezon City upang maibsan ang matinding trapik sa lugar.

Ikinasa na rin ng DPWH ang tatlong grade-separated interchange: EDSA-North Avenue-West Avenue-Mindanao Avenue interchange, Circumferential Road 5-Greenmeadows-Calle Industria-Eastwood interchange, at EDSA-Roosevelt Avenue-Congressional Avenue interchange.

“To be started in 2015, DPWH expects these three projects to be completed in four years,” ayon kay Coloma.

Subalit bago simulan ang mga proyekto, aminado si Coloma na maglilikha ng mabigat na trapik ang pagkukumpuni ng mga dambuhalang imprastraktura na, aniya, ay magiging pansamantalang kalbaryo ng mga motorista at commuter. - Genalyn D. Kabiling