Mga laro ngayon (Fil-Oil Flying V Arena):

4pm -- RTU vs. Instituto (M)

6pm -- PLDT vs. Meralco (W)

Bumalikwas ang Philippine Army mula sa unang set na kabiguan upang maiposte ang 25-23, 23-25, 25-20, 25-19 na tagumpay kontra Meralco at makalapit sa target na unang finals berth sa Shakey's V-League Season 11 3rd Conference sa Fil-Oil Flying V Arena sa San Juan City noong Linggo ng gabi.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Naging maganda ang pagpapakita nina dating league MVPs Mary Jean Balse at Nerissa Bautista sa pagkawala ni Rachel Ann Daquis at nagposte ng tig-15 puntos para pangunahan ang Lady Troopers sa kanilang ika-apat an sunod na panalo, kung saan halos isang laro na lamang ang kailangan para ganap na makamit ang unang upuan sa finals.

Sinuportahan naman sila nina Dindin Santiago at Tina Salak na nagposte ng tig-11 puntos.

"Kailangan talaga namin ng mga players na mag-i-step-up kasi alam na naming hindi maglalaro ngayon si Rachel,” pahayag ni Army coach Rico de Guzman.

Hindi naglaro si Daquis dahil kinuha ito bilang isa sa mga muse ng Globalport sa opening day ng PBA 40th season sa Philippine Arena.

Hindi naman nakuhang maiangat ng kanilang Thai import na si Wanida Kotruang ang Power Spikers.

Umiskor si Kotruang ng 17 puntos kapantay ni Stephanie Mercado ngunit kinulang sila sa suporta galing sa iba pa nilang kakampi.

Samantala, ikatlong panalo naman na magpapatatag ng kanilang kapit sa liderato ng men’s division ang Instituto Estetico Manila sa kanilang pagsagupa sa Rizal Tehcnological University na maghahangad namang makabangon sa kinahulugang ikalawang pagkatalo.

Magtutuos na muli ang dalawang koponan sa pambungad na laro ganap na alas-2 ng hapon.