Mga laro ngayon (Araneta Coliseum):

4:15pm -- Globalport vs. NLEX

7:00pm -- Rain or Shine vs. San Miguel Beer

Apat na koponan ang magtatangkang humanay sa opening day winners na Kia Sorento at Barangay Ginebra San Miguel sa kani-kanilang debut matches ngayong araw sa pagpapatuloy ng 2015 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Nakatakdang sumalang ang baguhang koponang NLEX kontra Globalport sa pambungad na laban ganap na alas-4:15 ng hapon na susundan ng salpukan ng Rain or Shine laban sa San Miguel Beermen sa ika-7 ng gabi.

Bitbit ang kanilang winning tradition sa PBA D-League kung na kinakitaan ng kanilang paghakot ng anim na titulo sa loob ng tatlong taon, tatangkain ng tropa ni coach Boyet Fernandez na maipagpatuloy ang nasabing tradisyon sa kanilang pagsalta sa PBA.

Pangungunahan ang Road Warriors ng mga dating manlalaro ng Air21 Express na sina Paul Asi Taulava, Macmac Cardona, KG Canaleta, Jonas Villanueva, Mark Borboran at Aldrech Ramos.

Inaasahan namang makakakuha sila ng sapat na suporta sa bagong recruits na sina Eliud Poligrates at rookies na sina Eric Camson, Juneric Baloria, Harold Arboleda at Jeckster Apinan.

Sa kabilang dako, makakaliskisan naman kung hanggang saan ang gilas ng No.1 pick ngayong taon sa nakaraang draft na si Stanley Pringle na siyang inaasahang mamumuno sa tropa ni coach Pido Jarencio katulong ang mga dating mainstays na sina Terrence Romeo, at Alex Cabagnot kasama ang mga bagong recruits na sina Kelly Nabong, Nonoy Baclao, Keith Jensen at Ronjay Buenafe.

Samantala, sa tapok na laro, gaya ng dati ay sasandigan ng Beermen na nasa ilalim na ngayon ng paggabay ni coach si Gilas standout at MVP noong nakaraang season na si Junemar Fajardo ang Season 38 MVP na si Arwind Santos at mga beteranong sina Sol Mercado, Chris Lutz, Marcio Lassiter, Ronmadl Tubid at mga rookies na sina Ronald Pascual at Justine Chua.

Para naman sa kampo ni coach Yeng Guiao, aanatabayanan ding tiyak ng fans ang paglalaro ng mga Gilas standouts na sina Paul Lee, Jeff Chan, Gabe Norwood at Beau Belga gayundin ang mga mga kapwa nilang beterano na sina Jervy Cruz, Ryan Arana, Raymund Almazan at JR Quinahan.