CABANATUAN CITY – Makaraang dalawang beses na naipagpaliban ang plebisitong magpapatibay sa conversion ng lungsod na ito bilang Highly Urbanized City (HUC), itinakda ng Commission on Elections (Comelec) sa Nobyembre 8, Sabado, ang pagboto sa Cabanatuan City.

Batay sa apat na pahinang resolusyon na pinagtibay ng Comelec en banc, nagbigay ng “go signal” ang Comelec para sa plebisito na inaasahang lalahukan ng 1,360,508 rehistradong botante ng Nueva Ecija, na binubuo ng 27 bayan at limang lungsod o katumbas ng 849 na barangay.

Iniutos din ng Korte Suprema ang pagsasagawa ng plebisito makaraang pagtibayin ang petisyon na inihain ni Nueva Ecija Gov. Aurelio Umali para pabotohin ang lahat ng botante sa lalawigan.

Magugunitang parehong naudlot ang itinakdang plebisito sa Nueva Ecija noong Disyembre 1, 2012 at Enero 25, 2014, na noong una ay pawang taga-Cabanatuan lang ang boboto.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente